Connect with us

Aklan News

Malay PNP, nagsagawa ng coastal clean-up drive sa Boracay

Published

on

By

PHOTO: Malay Municipal Police Station/Facebook

Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang Malay PNP sa isla ng Boracay nitong Linggo, Setyembre 3, 2023.

Pinangunahan ang clean-up drive ni PLtCol Dainis Amugis, OIC ng Malay PNP ang aktibidad na nilahukan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Malay Auxilliary Police, Advocacy Support Groups/Kaligkasan Force Multipliers at iba pang mga civilian volunteers sa coastal at beach area ng Balabag.

Bahagi raw ito ng core values ng Pambansang Pulisya na “Makakalikasan.”

Layun din nito na maisulong ang pagbawas ng basura at para mamulat ang publiko sa waste management at environmental concerns pati na rin mapaigi pa ang mga recreational activities na naaayon sa Environmental Projects ng PNP. /MAS