Connect with us

Aklan News

Love Boracay, umarangkada na ngayong araw

Published

on

UMARANGKADA na ngayong araw ang mga aktibidades para sa selebrasyon ng Love Boracay 2023.

Nakasentro ang nasabing selebrasyon sa environmental protection and preservation at health and wellness activities na tatagal hanggang sa Mayo a-1.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos may mga iba’t-ibang party na gaganapin pero regulated lamang ang mga ito.

Nagdagdag din umano sila ng mga beach sports activities na nakatutok sa environmental awareness and protection.

Magsasagawa rin sila araw-araw ng clean-up drive sa ilalim ng “Project Prestine” ng LGU Malay.

“Actually po ang goal ng Love Boracay natin, it’s all about giving back to our island of Boracay to show our love through with our activities.

Kaugnay nito, inaasahan naman ang pagdagsa ng libu-libong turista sa nasabing event kung saan halos fully-booked na sa ngayon ang mga hotel sa isla.

Ang Love Boracay ay sinimulan noong 2019 ng Boracay Inter-Agency Task Force kasama ang mga stakeholders sa isla kapallit ng LaBoracay.