Connect with us

Aklan News

Libreng WiFi access, inihandog ng pamahalaan lokal sa mamamayan ng Kalibo

Published

on

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang serbisyong libreng wifi access para sa publiko.

Ang public wifi access ay matatagpuan sa Kalibo Magsaysay Park kung saan puwedeng kumonekta sa internet ng walang bayad sa loob ng isang oras.

Kapag naubos mo na ang iyong isang oras na free internet access ay maaari ka muling maglog-in makalipas ng 24 hours.

Malaking tulong ang free wifi access lalo na sa mga estudyante na walang pambiling load para sa kanilang online classes.