Connect with us

Aklan News

LGU Malay: “Boracay is better than ever”

Published

on

IPINASIGURO ng lokal na pamahalaan ng Malay na nananatiling ligtas ang Boracay Island at maaaring pasyalan sa ilalim ng New Normal.

Ito ay kasunod ng viral video na umiikot ngayon sa social media na inupload ni username @adycots na nagsasabing mayroong “mini outbreak” COVID-19 cases sa Boracay Island.

Batay sa latest record ng LGU Malay, mayroong dalawang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bayan ng Malay (Boracay Island at Mainland Malay).

Pagpapasiguro naman ng lokal na pamahalaan, patuloy nilang minomonitor ang mga kaso at patuloy na ipinapatupad ang Minimum Public Health Standards alinsunod sa mga nakalatag ng protocols ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nananawagan ang LGU Malay sa publiko na maging mapagmatyag at ugaliing usisain ang mga impormasyong nakikita sa social media.