Connect with us

Aklan News

Labi ni Bonna Ambay, naiuwi na sa kanilang bahay sa Pandan, Antique

Published

on

Naiuwi na sa kanilang bahay sa Barangay Nauring, Pandan, Antique ang labi ni Bonna Hercia Ambay, ang 23-anyos na reliever manager ng RD Pawnshop na natagpuang patay at duguan sa loob mismo ng kanyang pinagtatrabahuhan nitong Lunes, Hunyo a-6.

Bumuhos ang luha ng ina ni Bonna ng makitang nasa loob na ng kabaong ang kanyang bunsong anak.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kasi matanggap ng ina nito ang pagkawala ng kanyang anak.

Paulit-ulit na sinasambit ng ina ni Bonna ang palayaw ng anak na “Cia-cia”

Tanging palayaw lamang ni Bonna na “Cia-Cia” ang sinasambit nito habang umiiyak sa tapat ng kabaong ng anak.

“Cia-cia…. nga-a si cia-cia ko,” sambit ng ina nito.

“Indi gid kabaton-baton, pero testingan gid naton na batunon. Batunon naton. Magtayuyon gihapon kita. Ay kung mabogged-down kita, pano bay si Cia-cia naton mataw-an hustisya. Taw-an naton hustisya gid ran,”  pag-aalo naman ng ama ni Bona na si Bonifacio Ambay.

Nakiramay din ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng biktimang si Bonna Ambay.