Connect with us

Aklan News

KALANSAY NG TAO, NATAGPUAN SA KAWAYANAN SA TANGALAN

Published

on

Dinala sa isang punerarya ang isang kalansay na natagpuan bandang alas 9:00 ng umaga ng Enero 27, 2022 sa Sitio,Ilaya, Napatag, Tangalan.

Ayon sa Tangalan PNP, natanggap nila ang impormasyon mula mismo sa barangay Chairman doon na si Hon.Jayzon Candelario, kung saan kaagad namang tinungo ng mga pulis ang lugar at nagsagawa ng imbestigasyon.

Base sa report, natagpuan ni Kagawad Dino Batoy ang kalansay sa kawayanan habang nagpapatuyo umano sila ng niyog doon para gawing kopra.

Kinahapunan, dumating ang mga taga SOCO para i-proseso ang kalansay na kaagad namang dinala sa isang punerarya.

Samantala, sinabi ng Tangalan PNP na kaagad silang nakipag-ugyan sa Ibajay PNP dahil sa impormasyon tungkol sa napaulat na nawawalang babae sa Monlaque, Ibajay nitong nakaraang buwan ng Disyembre.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, lumalabas naman sa inisyal na report na wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *