Connect with us

Aklan News

Higit 100 jobseekers, dumalo sa jobfair ng PESO

Published

on

By

Mahigit 100 na mga jobseekers ang nagtungo sa ABL Sports and Cultural Complex ngayong umaga para magbakasakali na makahanap ng trabaho.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Public Employment Service Office (PESO) Aklan Manager Marsh Bernabe ito ay dalawang araw na Aklan Career Expo (ACE) at Job Fair na tinawag nilang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK)”.

Katuwang aniya nila dito ang Aklan Tourism and Trade Investment Promotions Center (ATTIPC).

Layon nito na mapadali ang employment services sa probinsya  ang mapataas ang economic status ng mga nasasakupan.

Hindi lamang mga local employers kundi pati mga overseas recruitment agencies ang mag-aalok ng trabaho sa job fair.

Bukod dito, tatalakayin din ng TESDA, OWWA, POEA, DOLE, DTI at ATIKHA Organization ang mga programa at serbisyo na kanilang ibinibigay.

Nagsimula ito kaninang alas-8 ng umaga at magtatapos bukas, Setyembre 16, 2022.