Connect with us

Aklan News

Habal-habal driver nadisgrasya dahil sa butas-butas na kalsada

Published

on

By

PHOTO: Giona Mae Joy Nalangan/Facebook

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang habal-habal driver matapos maaksidente dahil sa butas-butas na daan sa Brgy. Rosal, Libacao.

Kinilala ang biktimang si Jayboy Asiong, 27 taong gulang, residente ng Brgy. Loctuga, Libacao.

Batay sa ulat, maghahatid sana ng kargang abaca ang biktima sa Poblacion, Libacao nang madisgrasya sa Brgy. Rosal.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa ulo, mukha at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na ngayon ay nasa surgical ward ng Aklan Provincial Hospital.

Nabatid na nilagyan ng butas ang sementadong daan para sana ulitin ang pagsemento pero dalawang buwan na umano ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik ang mga gumawa nito.