Connect with us

Aklan News

Fireworks display sa Boracay, zero incident – Mayor Bautista

Published

on

By

PHOTO: Malay-Boracay Tourism Office/Facebook

Walang nangyaring anumang kaguluhan sa ginanap na fireworks display sa isla ng Boracay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay Mayor Frolibar Bautista, sinabi niya na zero o walang naitalang mga insidente sa kasagsagan ng fireworks show dahil disiplinado ang mga publiko at mahigpit nilang ipinagbawal ang pag-inom ng alak sa baybayin ng Boracay.

“I’m very glad nga uwa it incidents nga natabo during the event, ro tawo hay disiplinado dahil ginbawae gid naton ro inum-inom sa baybay,” saad ng alkalde.

Nagtalaga si Bautista ng 12 sites para sa fireworks display na sinalihan ng iba’t-ibang mga establishment owners.

Sikat at isa sa mga idinadayo ng mga turista ang magarbo at makulay na fireworks display sa Boracay.

Pero apat na taon itong natigil matapos ipagbawal ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) sa panahon ng Boracay rehabilitation na sinundan pa ng COVID-19 pandemic. /MAS