Connect with us

Aklan News

Boracay tourist arrivals ngayong Mayo, lagpas 200k na

Published

on

By

Lumagpas na sa 200,000 ang bilang ng mga tourist arrivals sa isla ng Boracay.

Batay sa post ng Malay-Boracay Tourism Office sa kanilang official Facebook page, umabot na sa 201,368 ang mga naitalang bumisita sa isla mula May 1-31, 2022.

Pinakamari pa rin ang domestic tourist na umabot sa 193, 298. Nasa 4,268 naman ang mga foreign tourist at 3,802 ang mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Kung maaalala, nitong nakaraang buwan ng Abril 2022, umakyat sa 179,075 ang mga naitalang domestic tourist, 2,939 OFWs at 4,737 foreign tourist na namasyal sa tanyag na isla.