Connect with us

Aklan News

Boracay, kabilang sa Top 50 World’s Greatest Places 2022 ng Time Magazine

Published

on

By

Kabilang ang isla ng Boracay sa listahan ng top 50 World’s Greatest Places 2022 ng Time magazine.

Inilarawan sa artikulo ang Boracay bilang “paradise reborn.”

Kung maaalala noong Abril 2018, ipinasara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay na tinawag niyang “cesspool” para isailalim sa rehabilitasyon.

Binuksan ito Oktubre ng kaparehong taon pero muling isinara simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic para pangalagaan ang kalusugan ng mga residente.

Kasalukuyang bukas ang isla para sa mga turista matapos ang halos tatlong taong pagkakasara nito.

Sikat ang Boracay bilang isang tourist spot dahil sa puting buhangin at napakalinis na tubig sa isla.