Connect with us

Aklan News

Binatilyo pinagtulungang bugbugin sa harap ng Aklan Polytechnic College

Published

on

By

Pinagtulungang bugbugin ang isang binata sa harap ng Aklan Polytechnic College nitong madaling araw ng Sabado, Setyembre 17, 2022.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktimang si Jireh Gonzales, 20 anyos na nagtamo ng head injury dahil sa pambubugbog ng dalawang kalalakihan.

Pahayag ng ina ng biktima, galing raw ang kanyang anak sa Mal’eya bar nang pagbubugbugin ito ng mga suspek.

Natukoy naman ng mga pulisya ang mga suspek pero pinalaya rin ang mga ito dahil wala pang naihahaing reklamo.

Batay sa ina ng biktima, pag-uusapan pa nila kung ano ang magiging aksyon kung magsasampa sila ng kaso laban sa mga nambugbog sa kanyang anak o hindi.