Connect with us

Aklan News

43 mag-aaral ng Aklan Child Development Center, nagtapos na sa Pre-Kindergarten

Published

on

Umabot sa 43 mag-aaral ang nagtapos ng pre-kindergarten sa isinagawang Moving Up Ceremony ng Aklan Child Development Center nitong Hulyo 14-15, 2022.

Ang naturang seremonya at pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PSWDO head Ms. Evangelina Gallega.

Dahil dito, ang nasabing mga mag-aaral ay magiging ganap ng Kindergarten student sa susunod na school year.

Kaugnay nito, nagpa-abot din ng kanyang pagbati si Aklan Gov. Joen Miraflores sa mga kabataan gayundin sa kanilang mga magulang sa masaya at matagumpay na pagtatapos sa kanilang Pre-K years.

“Ro akon nga commitment sa aton nga mga ginikanan nga iya gihapon gabulig ag gasuporta ro inyo nga gobierno probinsyal. Gusto ko gid mataw-an it importansya ro future it atong mga inunga ag paagi sa mga makarang project hay hara gid ro atong gustong mapaabot, nga seryoso kita sa pagbulig ag sa pagtao it giya sa atong mga inunga,” ani Gobernador.