Connect with us

Aklan News

4 arestado sa Tapaz, Capiz dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo

Published

on

Arestado ang apat na lalaki sa Brgy. Poblacion, Tapaz, Capiz dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo.

Kinilala ng kapulisan ang mga suspek na sina Rolindo Catalan, 18-anyos, ng Brgy. Calaan, Panit-an; Bryan Bendoy alyas Coycoy ng Poblacion Ilaya, Panit-an; Jerson Lucion, ng Poblacion Ilaya, Panit-an; at Jeric Paniare ng Brgy. Cogon, Roxas City.

Nabatid na nahuli sa checkpoint ang apat sakay sa motorsiklo kung saan wala silang maipakitang mga kaukulang dokumento sa kapulisan.

Pinagdudahan pa sila ng kapulisan dahil sa kanilang kinikilos. Wala umano silang masagot sa kapulisan nang tanungin kung saan sila pupunta sa bayan ng Tapaz.

Dinala ng kapulisan ang apat sa kanilang himpilan kung saan ang mga ito umamin na hindi kanila ang motorsiklo. Kinalas umano nila ito mula sa isang tricycle at iniwan nila sa isang lugar sa Panit-an, Capiz.

Nabatid na una nang nag-alarma ang Roxas City PNP sa iba pang mga police station sa probinsiya na may ninakaw na tricycle sa lungsod.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *