Connect with us

Aklan News

GOVERNMENT EMPLOYEE, PATAY MATAPOS BUMANGGA ANG MINAMANEHONG MOTORSIKLO SA SINUSUNDANG SASAKYAN SA BARANGAY LAWAAN.

Published

on

ROXAS CITY – Patay ang 44 taong gulang  na government employee matapos bumangga  ang minamaniho nitong  motorsiklo sa sinusundang sasakyan sa Kilometer 2, Barangay Lawaan, Roxas City.

Kinilala ang biktima kay George Mapa Y Suerto, residente ng Barangay 11, Roxas City, at ang driver ng sasakyan na si Kenneth Buñi Y Brinosa, 19 taong gulang  at residente ng Graceville Subdivision, Barangay Tiza,

Ayon kay Buñi, tumigil siya dahil sa paghinto ng sasakyan na nasa unahan niya ngunit sa di niya inasahan ang pagbangga ng isang Yamaha Mio na motorsiklo sa kanyang sasakyan.

Mabilis namang dinala sa Capiz Doctor’s Hospital ang biktima ngunit deneklara na itong Dead on Arrival.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *