Connect with us

Aklan News

2 MAGKAINUMAN, SUGATAN MATAPOS MAGTAGAAN AT MAGSAKSAKSAN

Published

on

Libacao – Kapwa sugatan ang dalawang magkainuman matapos magtagaan at magsaksakan alas 3:00 kaninang madaling araw sa Sibalew, Libacao.

Kinilala ng Libacao PNP ang mga nasugatang sina Danilo Padohinog, 55 anyos, at John Rano, sa legal na edad na kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, magkasamang nag-inuman hanggang sa malasing ang dalawa nang saksakin umano ni Rano si Padohinog na kaagad tinamaan sa kaliwa at kanan nitong braso.

Gumanti naman umano si Padohinog at pinagtataga si Rano sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang dalawa, habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente na pinaniniwalaang nag-ugat sa labis na kalasingan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *