Connect with us

Aklan News

18 anyos na binata, patay matapos malunod sa dagat

Published

on

By

Nasawi ang isang 18-anyos na binata matapos malunod sa Brgy. Pook, Kalibo.

Nangyari ang insidente pasado alas-6:00 kagabi habang naliligo ang biktimang si Azzel Centina, 18 anyos, residente ng Polo, New Washington kasama ang kanyang apat na mga kaibigan.

Batay sa ulat, mababaw lang ang parte ng dagat kung saan naligo ang magkakaibigan.

Napansin na lang umano ng mga ito na nakalutang na sa tubig at wala ng malay ang biktima.

Agad nila itong dinala sa dalampasigan at sinimulan ang CPR hanggang sa madala ito sa ospital pero binawian din ito ng buhay kaninang madaling araw./ MAS