Connect with us

Aklan News

14 wanted persons nalambat ng Malay PNP sa loob lamang ng isang linggo

Published

on

Labing-apat na mga wanted person sa iba’t-ibang kaso ang nalambat ng Malay PNP sa loob lamang ng isang linggong operasyon.

Ito ay dahil sa walang tigil na pagsasagawa ng manhunt operation ng mga awtoridad simula Agosto a-30 hanggang Setyembre a-5.

Ang 14 na mga wanted persons ay may iba’t-ibang kaso na may warrant of arrest na inisyu ng iba’t-ibang hukom na may na piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Kaagad namang itinurn-over sa kaukulang korte ang mga akusado para sa karampatang disposisyon.

Samantala, tiniyak naman ni PLTCOL Don Dicksie L De Dios, hepe ng Malay PNP sa publiko na hindi niya papayagan na maging kanlungan ng mga tumatakbo sa hustisya ang Boracay Island.

“Will continue and we will strictly impose the full force of the law as it steps up its campaign against all forms of lawlessness to minimize criminality in Malay as directed by our Regional Director PBGEN LEO M FRANCISCO and our Provinicial Director PCOL CRISALEO TOLENTINO, in achieving Chief PNP PGEN RODULFO S AZURIN peace and security framework dubbed as MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran kasama ang KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan,” dagdag pa nito.