Kalibo – Arestado sa pagbibenta umano ng baril ang isang dating brgy. kagawad at kasama nito alas 5:30 kahapon ng hapon sa Old Buswang, Kalibo.
Sa joint entrapment operation ng Kalibo PNP, CIDG, HPG, Aklan PIU at RIU6, naaresto ang mga suspek na si Odonel Carillo Jr., 36 anyos, dating brgy. kagawad ng Bulwang, Numancia, at kasama nitong si Michael Franco Yu, 38 anyos ng Pusiw, Numancia.
Narekober sa mga suspek ang isang baril na kalibre .45; 2 empty magazine, kapalit ng mahigit P22,000.00 na pera kasama ang boddle money.
Samantala, ayon kay PMajor Belshazzar Villanoche,hepe ng Kalibo PNP, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 ang dalawa na pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.
Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorist na nahuhuling gumagamit ng…
Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…
Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…
Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…
Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…
TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…