Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy. Dumga, Makato.
Kinilala ang biktimang si Jan Andrei Bolido, 23 anyos na taga Tamalagon, Tangalan.
Ayon sa isa sa katrabaho ng biktima, magdedeposit sana ng perang umaabot sa higit P500,000 ang biktima nang barilin ng holdaper kaninang alas-8:30 ng umaga.
Pasakay na raw sana ito nang truck nang lumapit sa kanya ang isang lalaki at nagdeklara ng holdap.
Binaril umano nito ang biktima at inagaw ang plastic na lalagyan ng pera.
Sinasabing nadala ng suspek ang tinatayang nasa P200,000 habang ang iba naman ay kumalat dahil nagawa pang makipag-agawan ng biktima sa kabila ng tinamong tama ng pamamaril sa tagiliran.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo papunta sa direksyon ng Poblacion, Makato.
Ayon sa tatay ng biktima na si Albert Regotia, si Jan Andrei ay panganay sa dalawang magkakapatid at dalawang taon palang itong nagtatrabaho sa J&T.
Mensahe rin nito sa salarin na sana ay makonsensya ang mga ito sa ginawa sa kaniyang anak.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Makato PNP kaugnay sa nangyaring krimen.
Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na muling…
TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill…
Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…
Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…
Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…