Categories: National

PBBM, ipinag-utos na pag-aralan at i-adjust ang minimum wage ng mga manggagawa

Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na muling pag-aralan at i-adjust ang minimum wage rate ng mga mangagawa sa bansa.

Sinabi ng pangulo na dapat ikonsidera dito ang epekto ng inflation o ang bilis ng pagtaas ng mga bilihin.

Dapat umanong magawa ito sa loob ng dalawang buwan o 60 araw bago ang anibersaryo ng kanilang pinakahuling wage order.

Kaugnay nito, inutusan din ng pangulo ang National Wages and Productivity Commission na silipin ang kanilang mga tuntunin para masiguro na napapanatili ng board ang regular at predictable schedule ng wage review, issuance at ang effectivity nito para sa pagkakapantay-pantay ng mga stakeholders.

Makakatulong raw ang muling pag-aaral na ito sa pagbabawas ng impact ng pagtaas ng mga basic goods.

Inatasan din ng punong ehekutibo ang kongreso na gumawa ng mga batas para maiangat ang kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa.

“I call on Congress to pass laws that will support the attainment of our jobs creation agenda, including the Enterprise-based Education and Training Program law, the Revised Apprenticeship Program Act, and the CREATE MORE law or the law on Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy,” saad ni President Marcos.

Nauna nang nilagdaan ni PBBM ang Republic Act No. 11962, o ang Trabaho Para sa Bayan Act noong Setyembre 27, 2023, na naglalayong tugunan ang unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.

Nitong Marso 12 naman, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang implementing rules and regulations ng batas.

Ang Trabaho Para sa Bayan-Interagency Council na pinapangunahan ng NEDA ay inatasang bumuo ng master plan para sa employment generation and recovery.

Para mabawasan ang epekto ng inflation, nagbigay ang gobyerno ng emergency employment sa 5.66 million beneficiaries sa pamamagitan ng Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula July 2022 hanggang February 2024.

May 167,065 benepisyaryo din ang isinama sa livelihood programs sa ilalim ng ILP, habang 429,133 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong mula sa Employees’ Compensation Program.

Nag-enroll din ang Technical Education and Skills Development Program (TESDA) 2.65 milyong indibidwal sa ilalim ng reskilling at upskilling program nito. May 1.43 milyong indibidwal din ang na-assess at 1.36 milyon ang nabigyan ng certificates.

Para naman matiyak ang job security, naglaan ang DOLE ng P9.18 bilyon sa Fiscal Year 2024 budget para sa mga programa nito na naglalayong pataasin ang employability.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

4 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago