Categories: Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan, Madalag matapos magpahabol sa mga kapulisan sa isang checkpoint.

Sa ikinasang search warrant operation kagabi, binuksan ang kotse ng suspek na si Delsol Zunio Jr., 35 anyos ng Polo, Banga at doon nakuha ang apat na droga na nakalagay sa isang kaha ng sigarilyo at dagdag na dalawang sachet na nakapatong sa speedometer ng sasakyan at aluminum foil.

Magugunitang, hinuli kahapon ang suspek matapos magpahabol sa checkpoint ng Banga PNP at muntik pang makasagasa ng mga kapulisan nitong gabi ng Lunes.

Sa incidental search, nakuha sa suspek ang isang tooter, P23,000 cash at iba’t-ibang mga ID.

Kulong na ngayon ang suspek na mahaharap sa patong-patong na mga kasong paglabag sa RA 9165, Disobedience to an Agent or Person in Authority at Reckless Driving.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

4 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

4 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago