Connect with us

Aklan News

EX-KAGAWAD AT KANYANG KASAMA, ARESTADO SA PAGBIBENTA NG BARIL

Published

on

Kalibo – Arestado sa pagbibenta umano ng baril ang isang dating brgy. kagawad at kasama nito alas 5:30 kahapon ng hapon sa Old Buswang, Kalibo.

Sa joint entrapment operation ng Kalibo PNP, CIDG, HPG, Aklan PIU at RIU6, naaresto ang mga suspek na si Odonel Carillo Jr., 36 anyos, dating brgy. kagawad ng Bulwang, Numancia, at kasama nitong si Michael Franco Yu, 38 anyos ng Pusiw, Numancia.


Narekober sa mga suspek ang isang baril na kalibre .45; 2 empty magazine, kapalit ng mahigit P22,000.00 na pera kasama ang boddle money.

Samantala, ayon kay PMajor Belshazzar Villanoche,hepe ng Kalibo PNP, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 ang dalawa na pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *