Tech

Paggamit ng social media ng mga 13-anyos pababa, nais ipagbawal ng solon

Isinusulong ng isang mambabatas ang isang panukala na naglalayong i-ban o ipagbawal ang mga batang edad 13 pababa mula sa paggamit ng social media sites tulad ng Facebook at Twitter.

Isinumite ni Laguna 1st District Rep. Danilo Ramon Fernandez ang House Bill No. 5307 o “Social Media Regulation and Protection Act of 2019,” na naglalayong magmandato sa mga social media companies na nago-operate sa bansa na pagtibayin ang features ng mga ito sa pagbabawal ng mga 13-anyos pababa.

Nais ni Fernandez na pagbawalan ang mga social media companies sa pangukolekta ng mga personal na impormasyon at lokasyon mula sa mga may edad 12 pababa nang walang parental consent.  Ang mga impormasyon mula sa may edad 13 hanggang 17 taon naman ay hindi maaaring kunin nang walang user’s consent.”

Batay sa explanatory note ng naturang bill, “with the advent and creation of social media, children and adolescents’ every move is monitored online, and even the youngest are bombarded with advertising when they go online to do their homework, talk with friends, and play”.

Ayon kay Fernandez, nais nitong protektahan ang ‘well-being’ ng mga bata sa pamamagitan ng pagprotekta sa kanila mula sa online threats.

Sa oras na maging maaprubahan ang batas na ito, imamandato din nito ang lahat ng netizens na limitahan hanggang 30 minuto lamang kada araw ang paggamit ng social media sites, sa lahat ng devices.

“Users would be able (to) change the limits but they would have to do so every week” ayon din dito.

Ayon kay Fernandez na ang panukala ay “not only strengthens privacy and security, specifically for children and minors, but also champions consumer protection.”

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Ads

Garcia College of Technology

13 hours ago
  • Aklan News

3 kaso ng pamemeke ng LTO license cards naitala ng LTO-Aklan

Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…

3 days ago
  • Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…

4 days ago
  • Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…

4 days ago
  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

5 days ago
  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 week ago