National

Jim Paredes, inudyukan ang netizens na i-report ang mga cyber bullies

“Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you,” ito ang naging pahayag ng mang-aawit na si Jim Paredes sa kanyang Twitter post kamakailan.

Ayon sa kaniya, naging daan ang social media sa pagpapahayag ng iba’t ibang opinion, pero hindi umano ito dahilan upang ipagwalang-bahala ng mga netizens ang mga cyber bullies.

Kilala ang mang-aawit sa kaniyang malayang pagpapahayag ng political beliefs. Dahil dito, nakatatanggap din siya ng pambabatikos mula sa online community.

Kapapasok pa lang ng buwan, nag-post si Paredes ng screenshot ng natanggap umano niyang direct message mula sa isang netizen na nagbantang, “Brad no joke kung ako makakita sa yo sa labas pahiya ka sa kin sigurado yon. Ihahamapas ko face mo sa pader.”

Ito ang nag-udyok sa mang-aawit na hikayatin ang mga netizens na aksyunan  ang lumalaganap na cyber bullying.

Ilang oras lamang ang nakalipas matapos i-post ni Paredes ang natanggap na banta, nag-post ito ng panibagong screenshot  ukol sa umano’y “quick response” ng Twitter sa natanggap niyang  “threat of violence.” Ayon sa Twitter, Matapos nitong imbestigahan ang reklamo ng mang-aawit, ito ang naging tugon ng Twitter, “we’ve locked the account for breaking our rules.”

Share
Felmerie Sabino

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

6 hours ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

11 hours ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

1 day ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

2 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

3 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

4 days ago