Patay ang isang lalaki sa Brgy. Poblacion, Dumalag, Capiz matapos masunog kaniyang bahay madaling araw nitong Martes.
Kinilala ang bitkima na si Eddiemart Alba, 43-anyos, residente ng nasabing lugar at isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Capiz 2nd District.
Batay sa report ng Dumalag Bureau of Fire Protection, naganap ang insidente dakong alas-1:58 ng madaling araw. Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng biktima.
Sinasabing ini-init ng biktima ang kaniyang ulam nang ito ay makatulog dahil sa kaniyang ininom na alak.
Mabilis na kumalat ang apoy kung saan totally burned ang bahay nina Tito Fecundo at Alicia Fecundo pati ang bahay ng biktima.
Partially burned naman ang dalawang bahay sa harap ng mga ito pati na ang tatlong mga motorsiklo.
Yari sa mga mixed materials ang mga nasabing bahay.
Tinatayang nasa Php300,000 ang pinsalang dulot ng nasabing sunog.
Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…
Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…
Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…
Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…
Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…