Nagbigti-patay umano ang isang 23 anyos na binatang may problema sa pag-iisip sa bayan ng New Washington.
Base sa police report ng New Washington PNP, nailipat na ng mismong pamilya nito ang biktima sa kanilang bahay matapos siyang matagpuan ng kanyang tiyuhin bandang alas 9:00 ng umaga kahapon sa loob ng isang bodega.
Base sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, ang tiyuhin na rin mismo ng biktima ang nakakita sa kanya na may tali ang kanyang leeg at posibleng naputol dahil sa pagbigat ng kanyang katawan kinalaunan.
Samantala, kaagad ding dinala sa isang punerarya ang bangkay ng binata at nakatakdang isailalim sa post mortem examination.
Kaugnay pa nito, kumbinsido naman umano ang pamilya ng biktiktima na walang ‘foul play’ sa kanyang pagkamatay.
NOTE:
*Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero.
*1-800-10-333-8336
*0998-532-4047
*0917-775-9256
*0925-546-9919
Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…
Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…
Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…
Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…
TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…
Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…