Connect with us

Aklan News

BINATANG MAY PROBLEMA UMANO SA PAG-IISIP, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Photo| New Washington PNP

Nagbigti-patay umano ang isang 23 anyos na binatang may problema sa pag-iisip sa bayan ng New Washington.

Base sa police report ng New Washington PNP, nailipat na ng mismong pamilya nito ang biktima sa kanilang bahay matapos siyang matagpuan ng kanyang tiyuhin bandang alas 9:00 ng umaga kahapon sa loob ng isang bodega.


Base sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, ang tiyuhin na rin mismo ng biktima ang nakakita sa kanya na may tali ang kanyang leeg at posibleng naputol dahil sa pagbigat ng kanyang  katawan kinalaunan.

Samantala, kaagad ding dinala sa isang punerarya ang bangkay ng binata at nakatakdang isailalim sa post mortem examination.

Kaugnay pa nito, kumbinsido naman umano ang pamilya ng biktiktima na walang ‘foul play’ sa kanyang pagkamatay.

NOTE:

*Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero.

*1-800-10-333-8336
*0998-532-4047
*0917-775-9256
*0925-546-9919

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *