Wasak na bangka ang naiwan sa baybayin ng Patar Beach sa Bolinao, Pangasinan matapos itong hampasin ng sunod-sunod na malalaking alon.
Tila nilamon ng dambuhalang alon ang maliit na bangka na may sakay na dalawang mangingisda.
Nakunan ng drone camera ni Milo Mendeguarin ang pangyayari, kung saan guest siya sa isang resort, batay sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban ng GMA Regional TV.
Ayon sa ulat, nailigtas naman kaagad ang dalawang mangingisda.
Sinabi ni Mendeguarin sa panayam ng GMA News na pitong mga bangka dapat ang lalaot sa araw na iyon.
“Yung tatlo pala, nakalusot sila kasi tinaymingan yung alon eh. Then yung apat na, siya na yung nadali kasi namatayan sila ng makina,” aniya.
Batay kay Dian Lovemore Carranza ng Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, sinusubaybayan nila ang mga babala ng gale sa loob ng 24 na oras at kaagad silang naglalabas ng mga alerto at hindi nila hinihikayat ang paglayag habang masama ang panahon.
(Video by Milo Daragay Mendegorin on Facebook)
Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…
TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…
Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…
Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…
Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…
Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…