Categories: Aklan News

LASING NA NAKIPAGTALO SA KAINUMAN KUNG SINO SA ENGINEER AT ARCHITECT ANG GUMAGAWA NG PLANO, TINAGA

Numancia – Tinaga sa ulo ang isang lasing matapos umanong makipagtalo sa 2 kainuman sa kung sino sa architect at engineer ang gumagawa ng plano.

Nangyari ang insidente bandang alas 8:00 kagabi sa Badio, Numancia, kung saan nakilala ang biktimang si Policarpio Cipriano, habang nakilala naman ang dalawang suspek na kanya ring kainuman na sina George Ramos, at Alex Caynap, lahat 53 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo sa mga suspek, sinabi ni George na silang dalawa ng biktima ang nagtalo kung saan tinawag umano sila ng biktima na mga bobo.

Ayaw umano kasing maniwala ng biktima na pareho lamang na architect at engineer ang gumagawa ng plano, kung kaya’t pinauwi nito ang biktima.

Subalit nagpatuloy umano ang kanilang pagtatalo hanggang sa nagsuntukan at nagpangbuno ang dalawa, na kaagad namang inawat ni Alex.

Hindi pa rin umano tumigil ang dalawa kung kaya’t kumuha ng itak si Alex at tinaga sa ulo si Cipriano.

Mabilis naman itong dinala sa ospital, habang kaagad namang naaresto si Ramos.

Tinugis rin ng mga pulis ang tumakas na si Alex, subalit pasado ala 1:00 kaninang madaling araw nang sumuko umano ito sa Numancia PNP.

Kapwa sila naka kustodiya sa presento ng pulis habang inihahanda ang kasong Frustrated Homicide na isasampa laban sa kanila.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago