Categories: National

PROGRAMANG FARM-TO-MARKET ROADS, ISUSULONG NI MARCOS JR.

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumuo ang Department of Agriculture (DA) ng farm-to-market road masterplan para matiyak at palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa.

“Prayoridad sa ating plano para sa agrikultura ay ang pagpapatibay ng programang ‘farm-to-market road’ at pagsusulong ng mga proyektong makakatulong sa ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura,” sabi ni PBMM sa isang tweet matapos makipagpulong sa mga opisyal ng DA.

Sinabi din ni Marcos na dapat kabilang ang regional maps sa masterplan para malaman ang eksaktong lokasyon kung saan isasagawa ang mga farm-to-market roads.

“Kung sabihin nila saan ba ang areas na talagang kailangan nating buksan? We will go to Public Works. And also, what are the areas that we really want to open, that really need the FMR? Iyon ang unahin natin,” saad ng pangulo sa isang press release.

Mababatid na sinabi ni Marcos Jr., sa kanyang inaugural speech na ang agrikultura at food sufficiency ay kabilang sa pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon.

 

 

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

3 kaso ng pamemeke ng LTO license cards naitala ng LTO-Aklan

Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…

3 days ago
  • Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…

4 days ago
  • Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…

4 days ago
  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

5 days ago
  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 week ago