Categories: National

MGA TREN, LIGTAS SAKYAN KAHIT COVID-19 POSITIVE ANG ILANG EMPLEYADO AYON SA MRT

Pinawi ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang agam-agam ng mga pasahero hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga tren.  Ito ay kahit pa nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga tauhan ng kanilang depot sa Quezon City.

Ayon sa MRT, mahigpit na ipinatutupad ang disinfection process sa mga pasilidad kaya wala umanong dapat ipangamba ang mga pasahero.

Ayon pa kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, sa mga depot naka-assign ang mga empleyadong nagpositibo at walang nagpositibong empleyado sa mga istasyon.

Noong nakaraang linggo, nag-positibo sa COVID-19 ang higit 40 empleyado ng MRT depot sa ilalim ng isang mall sa Quezon City.

Anim sa mga nagpositibo ay mula sa maintenance service provider at 36 naman ay mga office personnel.  Isa sa kanila ang nasawi.

Tinamaan din at gumaling na sa COVID-19  sina MRT director for operations Michael Capati at general manager na si Rodolfo Garcia.

Naka-quarantine na ang mga empleyado ng depot na nagpositibo, ayon kay Batan.

Dagdag pa niya, mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocols sa tren tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras,  pagbabawal sa pagsasalita at pakikipag-usap, at pagbabawal sa mga may sintomas ng COVID-19 na sumakay sa tren.

Samantala,  patuloy pa rin ang operasyon ng MRT mula alas-4:37 ng madaling araw hanggang alas-9:30 ng gabi sa North Avenue habang alas-5:17 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi naman sa Taft Avenue.

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…

20 hours ago
  • Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…

20 hours ago
  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

2 days ago
  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

5 days ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

6 days ago