Categories: Facts & Trivia

KINALIMUTANG PLANETA, NADISKUBRENG PAIKOT-IKOT SA ISANG SYSTEM NA MAY TATLONG ARAW

Halos kababalik pa lamang sa operasyon  ng Kepler mission ng NASA noong 2009 nang mamataan na nito ang isang pinaghinalaang planeta na ang laki ay kalahati ng Saturn.  Ito raw ay matatagpuan sa isang system na tatlo ang araw.

Ang KOI-5Ab ang isa sa dalawang planet candidate na namataan ng nasabing misyon ngunit dahil sa pagiging kumplikado ng proseso upang mapatunayan ang pagiging lehitimong palneta nito,  isinantabi muna ang KOI-5Ab.

“KOI-5Ab got abandoned because it was complicated, and we had thousands of candidates,” ani David Ciardi, chief scientist ng Exoplanet Science Institute  ng NASA.

Dagdag pa nya, napakaraming mga natuklasang pinaghihinalaang planeta ang Kepler at ang mga ito ay di hamak  na mas madaling patunayan kesa KOI-5Ab kaya naman naisantabi ito.

“There were easier pickings than KOI-5Ab, and we were learning something new from Kepler every day, so that KOI-5 was mostly forgotten,” ayon kay Ciardi.

Nang matapos ang operasyon ng Kepler noong 2018, umabot sa 2,394 exoplanets, o mga planetang umiikot sa mga bituin maliban sa ating araw ang kanilang na-diskubre.  Maliban pa riyan, may 2,366 pa na mga pinaghihinalaang exoplanet na kailangan pang kumpirmahin

Matapos ang maraming taon, muling sinimulan ang pagtutukoy kung maituturing nga bang exoplanet ang KOI-5Ab.

Dahil sa mga datos na nakalap ng ikalawang planet-hunting mission na Transiting Exoplanet Survey Satellite o TESS, sa wakas ay nailatag ang mga ebidensya at napatunayan ang pagiging planeta nito.

Hnihinalang ang KOI-5Ab ay isang gas giant tulad ng Jupiter o Saturn dahil umano sa laki nito.  Ito ay umiikot sa isang bituin sa system na may dalawa pang bituin.

Inanunsyo ni Ciardi, na nakabase sa Caltech sa Pasadena, California, ang kanilang mga nakalap na impormasyon sa isang virtual meeting ng American Astronomical Society.

 

Mula sa nasa.gov

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

2 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago