Categories: Capiz News

Roxas City naglaan ng Php60-M pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine

Inaprobahan ng Sangguniang Panglungsod ng Roxas City ang Php60-M pondo na gagamitin sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 nitong Martes.

Sa isang press conference ng parehong araw sinabi ni Mayor Ronnie Dadivas na plano niyang mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon sa lungsod.

Habang manggagaling naman aniya sa nasyonal ang bakuna para sa natitirang 30 porsyento ng populasyon.

Sinabi ng alkalde na nakipagpulong na ito sa ilang mga pharmaceutical firms para masigurong ang bakuna na bibilhin ng gobyerno lokal ay para sa ikabubuti ng mga residente.

Uunahin aniya sa pagbakuna ang mga frontliners kabilang na ang mga health care workers, mga uniformed personnel, pati na mga social workers, senior citizens at mga indigents.

Ayon sa alkalde, ang Php60-M ay galing sa natirang pondo ng lungsod noong 2019 at 2020.

Nais namang ipaintindi ni Dadivas na mahaba pang proseso ang gugulin ng lokal na pamahalaan sa pag-order, alokasyon, produksyon, shipping at vaccination. Posible aniyang abutin pa ng ilang buwan.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

3 kaso ng pamemeke ng LTO license cards naitala ng LTO-Aklan

Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…

4 days ago
  • Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…

4 days ago
  • Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…

4 days ago
  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

6 days ago
  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 week ago