Categories: Aklan News

LASING NA NAGPAPUTOK UMANO NG BARIL, KALABOSO

Numancia – Arestado ang isang lasing matapos umanong magpaputok ng baril at magpahabol pa sa mga pulis kagabi sa Dongon, East, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Cedric Caparal, 37 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, alas 5:00 palang kahapon ng hapon nang dumating umano ang suspek at nag-iskandalo sa tindahan ni Linda Tirol doon rin sa nabanggit na lugar.

Hindi umano nila ito pinansin hanggang kusa itong umalis. Bandang alas 6:30 naman nang bumalik ang suspek at nagpaputok ng baril, rason na pinarespondehan na sa mga pulis.

Ayon pa sa Numancia PNP, wala na doon sa lugar ang suspek pagdating nila, subalit muli umano itong bumalik sakay ng motorsiklo at doon na kinumpronta.

Kasunod nito, sinasabing tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo, subalit nasukol parin kinalaunan at naaresto.

Samanatala, bagama’t walang narekober na baril, sasampahan parin ngayong araw ng kasong Resistance and Disobedience to an Agent of a Person in Authority ang suspek, maliban sa kasong Alarm and Scandal na kanyang kakaharapin.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Numancia PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

4 hours ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

9 hours ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

23 hours ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

2 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

3 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

4 days ago