Categories: Aklan News

Lalaking tumatawid sa kalsada sinalpok ng motor, inararo pa ng pick-up

Bali ang kaliwang kamay at paa ng isang 25 anyos na lalaki matapos masagasaan ng motorsiklo at inararo pa ng pick-up sa highway ng Bulwang, Numancia.

Kinilala ang biktimang si Sheldon Apolinario ng Bulwang, Numancia.

Batay sa ulat, naglalakad pauwi ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi nang masagasaan ito ng motorsiklo na minamaneho ni Rogien Reyes, 46 anyos ng Badio, Numancia.

Tumilapon sa kalsada ang biktima at nawalan ng malay pero habang nakahandusay sa kalsada, dumaan ang isang Toyota Hilux at sinagasa ito.

Batay sa CCTV Footage, mula sa direksyon ng Numancia papuntang Kalibo ang driver ng gray Toyota Hilux na may plate number na FA8840.

Dumiretso ito at hindi tumigil para tulungan ang biktima kaya nananawagan ngayon ang kanyang ina.

Nakatakda na ring pumunta sa Land Transportation Office (LTO) ang mga otoridad para matukoy kung sino ang driver ng sasakyan.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

19 hours ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

24 hours ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

2 days ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

3 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

4 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

4 days ago