Categories: Regional News

Higit P200K na halaga ng shabu nasamsam sa 2 drug personality sa Roxas City

Nasamsam ng mga kapulisan ang nasa P217, 600 na halaga ng shabu sa dalawang drug personality na na buy bust kahapon sa Brgy. Dinginan, Roxas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Junerod Jamili, 39 anyos, isang technician na taga Barangay VII at ang kasama nitong babae na si Anjhell Dellotay, 23 anyos na taga Brgy. Punta Tabuc, Roxas City.

Sa pangunguna ni PMaj. Leomindo Tayupon ng PDEU Capiz at PLtCol. Aaron Palomo, COP ng Roxas City PNP, tuluyang nadakip ang mga suspek na matagal na nilang minamanman dahil sa pagsusupply ng mga ito ng droga sa Punta Tabuc.

Nakuha sa posisyon ng dalawa ang isang malaking sachet ng shabu kapalit ng P7000 na buy bust money at dagdag na 11 sachet ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 32 gramo at tinatanyang nagkakahalaga ng P217,600.

Nabatid na ang dalawang suspek ay nakulong na sa kasong may kaugnayan sa droga at nakalaya matapos na mag-avail ng plea bargaining.

Ayon kay LtCol Palomo, mababawasan na ang mga supplier ng drugs sa Punta Tabuc dahil sa pagkkakdakip sa dalawa.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

16 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago