National

Unemployment, Underemployment sa Pilipinas, bahagyang gumaan sa buwan ng Mayo: PSA

Manila—Bahagyang bumaba ang unemployment rate sa Pilipinas na may 7.7 percent nitong Mayo, kumpara sa 8.7 percent noong Abril. Samantala, ang underemployment ay bahagya rin bumaba nang 12.3 percent mula sa 17.2 percent noong Abril. Pahayag ng state statistics bureau ngayong araw, Hulyo 1.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito’y nangangahulugan lamang na ang kabuuang bilang ng mga unemployed mula 15 years old pataas ay nabawasan ng 408 thousand indibidwal na may kabuuang bilang na 3.73 million, mula sa 4.14 million noong buwan ng Abril.

Pahayag rin ng PSA, na ang buwan ng Mayo ang may pinaka mababang jobless rate, simula noong Marso na may 7.1 percent.

Ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagkaroon ng trabaho ay 44.72 million nitong buwan ng Mayo 2021 o 1.45 million increase in employment, kumpara noong mga nakaraang buwan na may 43.27 million, ayon sa PSA.

“The labor force participation rate or (LFPR) in May 2021 was placed at 64.6 percent, equivalent to 48.45 million individuals who were either employed or unemployed. This is higher than the LFPR reported in the months of January (60.5 percwent), February (63.5 percent), and April (63.2 percent) of 2021.”

Naiulat din na ang buwan ng Mayo ang may pinaka mababang antas ng underemployment simula pa noong Enero 2021.

“In terms of magnitude, about 5.49 million persons were reported underemployed in May 2021. The highest estimate was reported in February 2021 at 7.85 million,” sabi ng PSA.

Ang COVID-19 pandemic ay maaaring mag-iwan ng pang matagalang epekto sa kalagayan ng employment sa Pilipinas. Dahilan nito ay ang mga pag babago, pag-kakaroon ng less stable at mababang kalidad na mga hanap buhay. Pahayag naman ng isang opisyal ng Asian Development Bank.

Ang unemployment naman ay lumobo ng 17.7 percent noong Abril 2020, sa kasagsagan ng striktong lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon, na ipinatupad para maibsan ang pagkalat ng Covid-19, makikita sa datos ng pamahalaan.

Bumaba naman ang ekonomiya na nakapag tala ng 9.6 percent nitong 2020, at patuloy na bumababa ng 4.2 percent sa unang quarter nitong taon.

Source: ABSCBN NEWS

Share
Gilliane Lara

Recent Posts

  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

9 hours ago
  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

3 days ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

4 days ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

5 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

6 days ago