Categories: National

ROBREDO, HINAMON NG TASK FORCE TO END LOCAL COMMUNIST ARMED CONFLICT NA PASAMAIN ANG MGA REBELDE SA HARAP NG PUBLIKO; PRESIDENTIAL CANDIDATE PING LACSON, HANDANG MAWALAN NG BOTO SA PANINDIGAN NA MAY ALYANSA SI ROBREDO SA MGA REBELDE

HINAMON ni Undersecretary Lorraine Marie Badoy si VP Leni Robredo at ang kampo nito na pasamain ang mga rebeldeng CPP NOA NDF sa publiko.

Si Sec. Lorraine, ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict for sectoral concerns at communication presidential undersecretary.

Ipinanawagan ni Badoy ang public condemnation ng kampo ni Robredo sa mga rebelde kasunod ng pagtanggi ng bise president na nakipag-alyansa siya sa CPP NPA NDF para sa kanyang kandidatura.

Nauna nang sinabi ni Badoy na insulto sa mga Pinoy ang kasunduan sa gitna ni Robredo at mga rebelde.

Ipinahayag rin ni Badoy na pagtataksil sa mga supporters ni Robredo ang pakikipag-alyansa nito sa CPP NPA NDF.

Napag-alaman na nagpahayag ng pagsuporta sa bise president si CPP NPA NDF founding chairman Joma Sison sa pamamagitan ng post sa Twitter.

Kaugnay nito, handa naman si Senator Panfilo Ping Lacson na mawalan ng boto dahil sa kanyang pahayag sa publiko ukol sa paniniwala nito sa pakikipag-alyansa ng kampo ni Robredo sa mga rebelde.

Ayon kay Lacson, suportado ng kanyang intelligence information na may presensya ng mga rebeldeng komunista ang rally ni Robredo.

Dagdag pa ni Lacson, hindi siya nababahala na mabawasan ang kanyang boto dahil sa paniniwalang ito.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Traysicle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

18 hours ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

18 hours ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago