National

Pagbabasa ng Bibliya sa high school at elementary, gagawing mandatory

Kung nababasa lamang umano ang Bibli­ya at isinasagawa ang mga turo nito, ma­giging maayos ang bansa at ang gobyerno ay magiging matapat, matuwid at maayos ang pamamahala. Ito ang paniniwala ni House Minority leader at Manila Rep. Benny Abante Jr.

Dahil dito, isinusulong ng mambabatas na gawing mandatoryo ang pagbabasa ng Bibliya sa elementarya at sekondarya ng lahat ng pampublikong paaralan.

Isinusulong ni Rep. Abante ang Panukalang Batas 2069 na naglalayong maging polisiya at gabay sa mga tao ang pagbabasa ng Bibliya. Ito rin daw ang gagabay patungo sa matuwid na daan sa mga susunod na lider ng bansa.

Ayon sa mambabatas at senior pastor din ng Metropolitan Bible Baptist Ekklesia, tila kulang pa sa pagtanggap at sa pagpapahalaga ang mga Pilipino sa kapangyarihan ng Bibliya, sa kabila ng pagiging tanging  Kristiyanong bansa ng Pilipinas sa Asya.

Nakapaloob sa panukalang batas na isasama sa mga asignaturang English at Filipino sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa bansa, pati na rin sa mga diskusyon at eksaminasyon, ang Bibliya.

Share
Felmerie Sabino

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 day ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

2 days ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

2 days ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

4 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

4 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

5 days ago