History

Today in PH History: Ika-108 taong kaarawan ng Ama ng Aklan, Godofredo P. Ramos

Taong 2002 nang ideklarang Special Non-Working Holiday sa buong probinsya ng Aklan ang ika-8 araw ng buwan ng Nobyembre. Nakapaloob ito sa Proclamation No. 194 bilang pag-alala sa kaarawan ng Ama ng Aklan na si Godofredo “Goding”  P. Ramos.

Isinilang noong Nobyembre 8, 1911 si Godofredo P. Ramos. Kinilala siya bilang Ama ng Aklan dahil sa kaniyang pagsisikap na kilalanin ang lalawigan bilang hiwalay na pamahalaan mula Capiz na dati nitong kinabibilangang probinsya.

Ang paghiwalay ng Aklan mula sa Capiz ay nakasaad sa Republic Act 1414 na kaniyang ipinasa sa Kongreso.  Sa kabila ng pagsusumikap ng mga naunang namumuno sa lalawigan, bukod tanging si Godofredo Ramos lamang ang naging matagumpay. Hindi naging madali ito para kay Goding. Umabot ng 55 taon ang kaniyang pakikibaka upang makamit ang minimithing kasarinlan.

Si Godofredo “Goding” P. Ramos ay naglingkod bilang miyembro ng kamara, at madalas na kilalanin bilang isa sa “Ten Outstanding Congressmen.”

Kabilang sa kaniyang mga naging katungkulan ay bilang gobernador ng lalawigan ng Aklan. Naglingkod din siya sa bansa bilang hukom ng Court of Appeals, delegado  ng Constitutional Conventio, at kinatawan ng bansa sa United Nations kung saan nakikibaka  ang Pilipinas sa pag-angkin sa Sabah, North Borneo. Kabilang din sa mga dinaluhan niya ang Columbo Plan at ang International Inter-Parliamentary Union.

Share
Felmerie Sabino

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Recent Posts

  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

2 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

4 days ago
  • National

PBBM, ipinag-utos na pag-aralan at i-adjust ang minimum wage ng mga manggagawa

Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na muling…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P80K iniwang danyos sa naabong restobar sa Kalibo

TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill…

6 days ago