Categories: Cebu News

Babae, arestado dahil umano sa pang-aabuso ng mga bata online

Arestado ang isang babae sa isang anti-child pornography entrapment operation na ginanap sa Barangay Luz, Cebu City ngayong araw, Hulyo 13, 2022.

Nasagip din sa naturang operasyon ang walong bata kabilang na ang isang apat na buwang sanggol.

Suspek ang babae sa pang-aabusong sekswal ng mga kabataan sa internet. Ayon sa intel, pinapasali umano ang mga bata sa mga live show. Kinukunan din umano sila ng litrato nang walang saplot at ibinibenta ang mga larawan sa mga foreigners.

Bago pa man ang pandemya ay minumonitor na ng mga otoridad ang mga aktibidad ng suspek subalit natigil ito dahil sa kasagsagan ng COVID-19. Naulit ang kanyang operasyong kamakailan lang.

Isinagawa ng Women and Children’s Protection Desk ng Police Regional Office-Central Visayas ang nasabing operasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-Central Visayas, Department of Social Welfare and Development-Central Visayas, Cebu City Police Office at Department of Justice.

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

17 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

17 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

17 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago