Categories: Capiz News

MOTORSIKLO NABANGGAAN NG SASAKYAN SA PANITAN, CAPIZ, DALAWA SUGATAN

Sugatan ang dalawang lalaki matapos mabanggaan ng isang sasakyan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Sitio Banta-aw, Panitan, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Christian Velano, 25-anyos, driver ng motorsiklo, at angkas nito na si Peter Paul Daria, 18, parehong mga residente ng Brgy. East Villaflores, Maayon.

Habang kinilala naman sa report ng Panitan PNP ang suspek na si Ronaldo Bedo, 38, residente ng Brgy. Agloway, Panitan.

Ayon sa report ng kapulisan, binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng main road sakay ng motorsiklo mula sa Brgy. Bailan, Pontevedra pauwi sa kanila nang maganap ang aksidente.

Nabanggaan ang kanilang motorsiklo sa kanilang likuran ng kasunod na sasakyan na menamaneho ng suspek.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima matapos silang matumba sa sementadong kalsada. Dinala sila sa ospital para gamotin.

Boluntaryong sumuko sa kapulisan ang suspek. (with report from KaTodo Butchoy Gardose)

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

4 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

4 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago