Capiz News

Lalaki nagpakamatay sa Roxas City matapos umanong iwan ng live-in partner

Isang 27-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa Roxas City umaga ng Miyerkoles, Marso 4, matapos magbigti.

Sa eklusibong panayam ni KaTodong Butchoy Gardose, sinabi ng ina, na posibleng dahil sa pag-iwan sa kaniya ng live-in partner kaya ito nagpakamatay.

Pahayag pa ng ina, nitong mga nakalipas na buwan ilang beses na umanong nagpahayag ang anak na magpapakamatay ito dahil sa pag-iwan sa kaniya ng babae.

Hindi naman umano sila nagkulang para payuhan siya. Katunayan pinagamot pa nila ang lalaki pero bumalik din umano sa ganitong kondisyon.

Nabatid na tatlong taon nang hiwalay ang dalawa matapos umalis nalang umano bigla ang babae para umuwi sa kanilang lugar sa Iloilo.

Hindi naman sinabi ng ina ang tunay na rason kung bakit siya iniwan ng babae na kalaunan nabalitaan nila na nagpakasal na sa ibang lalaki.

Unang naabutan ng ina na nakabigti na ang anak nang umuwi ito sa bahay dahilan para dali-dali itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at sa isang konsehal.

Agad ring rumesponde ang mga tauhan ng Roxas City emergency response team. Isinugod nila sa ospital ang lalaki pero dineklara rin itong dead on arrival.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa nangyari.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 day ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

2 days ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

2 days ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

4 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

4 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

5 days ago