Capiz News

Ford ranger nahulog sa palayan sa Roxas City, Capiz; driver nakainom, walang lisensya

Bumangga sa concrete post bago tumilapon sa palayan ang isang Ford Ranger pick-up sa kahabaan ng highway sa Brgy. Cabugao, Roxas City.

Kinilala ang driver ng pick-up na si Lloyd Abendaño, residente ng Brgy. Santa Cruz, Ivisan. Habang ang sakay nito ay nakilalang si Sheryl Brillantes, residente ng Brgy. Poblacion, Panit-an.

Batay sa report ng Roxas City PNP, galing umano sila sa bayan ng Ivisan nang nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan, lumagpas ito sa kurbadang bahagi ng kalsada, bumangga sa poste bago nahulog sa palayan.

Walang maipakitang lisensiya ang driver pati na mga kaukulang dokumento ng sasakyan. Naobserbahan rin na nasa ilalim ito ng nakalalasing na inumin.

Tumanggi rin ang dalawa na magpa-blotter sa police station saka umalis sa pinangyarihan ng aksidente para ipagamot ang mga sarili.

Nagtamo naman ng ilang pinsala ang nasabing sasakyan sa hindi pa malamang halaga.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

13 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago