Categories: Capiz News

Capiz Medical Society, mga business group, gustong isailalim sa MECQ ang Capiz

Umaapela ngayon ang Capiz Medical Society (CMS) at Capiz Halaran Chamber of Commerce and Industry na itaas sa Modified Enhanced Community Quarintine ang probinsiya.

Sa kanilang joint resolution 2021-001, nanawagan ang dalawang grupo na higpitan ang quarantine protocols sa buong probinsiya at sa lungsod ng Roxas.

Nabatid na Huwebes ng nakaraang linggo, ay nakipagpulong ang dalawang grupo sa mga kinatawan ng pamahalaang lokal ng Roxas City at ng probinsiya kaugnay sa estado ng COVID-19 rito.

Ipinakita ng health sector sa nasabing pagpupulong ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito sa lungsod at sa buong lalawigan simula noong Abril.

Nakasaad rin sa kanilang resolusyon na ang Roxas Memorial Provincial Hospital ay umabot na sa full capacity nito, maging ang apat na pribadong mga ospital sa syudad.

Puno narin ang mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) ng probinsiya ng lungsod.

Sinabi rin dito na mataas ang mortality rate ng lungsod (4.6%) kaysa sa nasyonal (1%) dahil sa nasabing sakit.

Nasa kritikal narin anila ang ilang mga pangangailangan gaya ng man power, mga gamot, rebreathing mask at mga ventillators.

Binaggit sa resolusyon na ang dalawang linggong time-out ay magbibigay daan anila sa pag-organisa sa health sector at maging sa nagpapatuloy na vaccination program.

Ang resolusyon ay nilagdaan nina Dr. Jocelyn Sio-Mosquete, CMS President, at Dale Bernas, president ng nasabing business group.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago