Categories: Capiz News

BABAE SUGATAN MATAPOS MAHAGIP NG MOTORSIKLO ANG KANIYANG BISIKLETA

Sugatan ang isang 18-anyos na babae matapos mahagip ng motorsiklo ang sinasakyan nitong bisikleta sa Brgy. Cagay, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Dahlia Anazario, residente ng Sitio Bangbang sa nasabing barangay.

Kinilala naman ang driver ng motorsiklo na si Rusi Mojo 200 na si Mark John Fernando, 23, isang electrician, residente ng Brgy. Tanque, Calubihan sa lungsod ring ito.

Ayon sa report ng Roxas City PNP, Miyerkoles ng hapon habang nagbibisikleta ang biktima mula sa kanilang bahay patungong circumferential road sa nasabing barangay nang mahagip siya ng kasunod na motorsiklo.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Agad itong isinugod ng rumespondeng mga tauhan ng Capiz Emergency Response Team sa isang pribadong ospital.

Nangako naman ang nakahagip sa biktima na magbibigay ito ng tulong pinansiyal.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang aksidente.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago