Capiz News

54-anyos na mister, nagbaril sa sarili sa Tapaz, Capiz

Patay ang isang 54-anyos na mister sa Brgy. San Nicolas, Tapaz, Capiz matapos magbaril sa kaniyang sarili.

Batay sa report ng Tapaz PNP, hapon ng Huwebes, nakarinig ng putok ang misis ng biktima sa loob ng kanilang bahay dahilan para dali-dali itong umuwi.

Pagpasok sa loob ng bahay, tumambad sa kaniya ang duguan na na katawan ng mister na minabuting hindi na pangalanan na nakabulagta sa loob ng kaniyang kuwarto.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nagtamo ng sugat sa dibdib ang biktima at sa gilid nito ay natagpuan ang isang short homemade single shot 12 gauge.

Dinala pa ng mga rumespondeng tauhan ng Tapaz PNP ang duguang lalake sa ospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Isang magsasaka ang biktima. Hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng pagpapakamatay nito pero ayon sa asawa ilang beses narin umano itong nagtankang kitlin ang kaniyang buhay.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

3 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago