Categories: Capiz News

3rd INFANTRY DIVISION NG PHIL ARMY, MAY BAGONG ACTING DIVISION COMMANDER

CAPIZ – Pormal ng umupo bilang bagong Acting Division Commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army si Brigadier General Noel Baluyan matapos ang isinagawang Change of Command Ceremony sa Camp Peralta, Jamindan, Capiz kahapon.

Pinalitan ni Baluyan si Major General Eric Venoya matapos umabot na ito sa mandatory retirement age na 56.

Dinaluhan ito ng ilang 3ID stakeholders, field commanders at iba pa ang nasabing seremonya.

Pinasalamatan ni Vinoya ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Army, Army Visayas Command, Spearhead Troopers at mga stakeholders para sa tiwala at suporta sa kanya bilang 3ID Division Commander.

Si Baluyan ang dating Commander ng 302nd Infantry (Achiever) Brigade na nakabase sa Camp Leon Kilat, Tanjay City, Negros Oriental.

Samantala, naniniwala naman si MGen. Centino na maipagpatuloy ni Baluyan ang nasimulan ng 3ID sa tulong na rin ng lahat ng myembro ng Spearhead Division at suporta mula sa LGUs at stakeholders sa Division’s Area of Operation.

Nanawagan din ito sa lahat ng Spearhead Troopers na ipagpatuloy ang dedikasyon sa pagbigay ng serbisyo at mag pokus sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lugar.

Share
Lilia Dela Cruz

Years/background in Media works: 22 yearsWhy chose this profession: It's my DESTINY Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

10 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

10 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

10 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago