Categories: Capiz News

3 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Sugatan ang isang menor de edad na driver ng motorsiklo at dalawang angkas nito matapos makasagi ng isa pang motorsiklo sa Brgy. Jolongajog, Pontevedra, Capiz gabi ng Lunes.

Ang driver ay edad 13-anyos. Ang mga angkas niya ay sina Robert Suplito, 48, at Nomberto Relano, 41, mga construction worker at lahat mga residente ng Brgy. Rizal sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pontevedra PNP, binabaybay ng nasabing driver ang kalsadahin mula sa Brgy. Binuntucan at papauwi na sana sa kanilang mga residensya nang maganap ang aksidente.

Nasagi umano ng menor de edad ang isang motorsiklo sa kanilang unahan na menamaneho ni Regei Taunan, 24, isang mangingisda, angkas si Jessa Marie Buhat, 23, at isang 2-anyos na batang babae, pawang mga residente ng Brgy. Jolongajog.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang menor de edad na driver at ang mga angkas nito. Isinugod sila sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

5 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago